Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Katara Patton

Magaan Na Paglalakbay

Isang lalaking nagngangalang James ang naglakbay mula West Coast ng Amerika—nagbisikleta siya mula Seattle, Washington, hanggang San Diego, California. Nakilala siya ng isang kaibigan ko malapit sa talampas sa Big Sur, halos 930 milya mula sa pinanggalingan niya. Matapos malamang nanakawan si James ng gamit sa pagka-camping, nag-alok ang kaibigan ko ng kumot at pangginaw, pero tumanggi si James. Sinabi…

Mga Pagkilos Ng Dios

Mahilig ako maglaro ng Scrabble. Isang beses, naghahabol ako ng puntos buong laro pero nang patapos na at wala ng letrang puwedeng bunutin sa bag, nakabuo ako ng salitang may pitong letra. Ibig sabihin tapos na ang laro. Limampung puntos ang nadagdag sa akin pati na rin puntos ng mga letrang hindi nagamit ng mga kalaro ko.

Mula sa dulo,…

Nandito Si Jesus

Nakaratay sa higaan na may ngiti ang matandang tiyahin ng magulang ko. Nakasuklay ang mapuputing buhok at puno ng kulubot ang mga pisngi. ‘Di siya masyadong nagsalita pero tanda ko pa ang binulong niya nang bisitahin namin siya ng mga magulang: “Hindi ako nalulungkot. Nandito si Jesus kasama ko.”

Namangha ako. Balo na siya at nakatira sa malayo ang mga…

Pagtatapos

Kapag papalapit na ako sa huling bahagi ng apatnapung minutong ehersisyo, inaasahan ko nang sisigaw ang tagapagsanay, “magtapos nang malakas.” Ginagawa iyan ng lahat ng kilala kong gumagabay sa pag-eehersisyo ilang minuto bago cool down (ang pagkakalma sa katawan bago magtapos). Alam nilang mahalaga ang pagtatapos ng ehersisyo. Alam din nilang gusto ng pahinga ng katawan matapos kumilos nang matagal.

Ganyan…

Matalinong Payo

Nang ako ay nag-aaral sa seminaryo, ako ay nagtatrabaho ng buong oras. Dagdag pa riyan, ako rin ay naglilingkod bilang chaplain at bilang intern sa isang simbahan. Ako ay abala. Noong bumisita ang aking ama sa akin, sinabi niya, “Magkakasakit ka niyan.” Binalewala ko ang kanyang babala at inisip ko na iba ang henerasyon niya kaya hindi niya ako nauunawaan.

Hindi naman…